Home NATIONWIDE DPWH engineer na kapwa akusado ni Jinggoy, sumuko sa Sandiganbayan

DPWH engineer na kapwa akusado ni Jinggoy, sumuko sa Sandiganbayan

54
0

MANILA, Philippines – Sumuko sa Sandiganbayan nitong Lunes ang isang engineer ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na kabilang sa mga kinasuhan kasama ni Senador Jinggoy Estrada sa kasong plunder, ilang oras matapos maglabas ng arrest warrant ang anti-graft court.

Kinumpirma ng clerk of court ng Sandiganbayan Fifth Division na humarap sa hukuman si Assistant District Engineer Denryl Caesar Cortuna noong Lunes ng hapon.

Kasama rin sa mga pinadalhan ng arrest warrant sina dating DPWH Secretary Manuel Bonoan, District Engineers Manny Bulusan at Arturo Gonzales Jr., at si Estrada.

Noong Mayo 28, naghain ang Office of the Ombudsman ng mga kasong plunder at graft laban sa mga respondent kaugnay ng umano’y iligal na budget insertions at mahigit P573 milyong kickbacks mula sa mga infrastructure at flood control project ng DPWH na pinondohan sa ilalim ng 2025 national budget.

Ayon sa Ombudsman, nag-ugat ang mga kaso sa review resolution batay sa imbestigasyong isinagawa ng National Bureau of Investigation-Department of Justice Public Works and Bid-Rigging Task Force.

Bukod sa kasong plunder, nahaharap din sina Estrada at Bonoan sa dalawang bilang ng graft. Ang plunder case at isa sa mga graft case ay naitalaga sa Sandiganbayan Fifth Division, habang ang isa pang graft case ay napunta sa Second Division. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here