DAVAO CITY – Nagpatupad ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ng tatlong buwang fishing ban sa Davao Gulf simula Hunyo 1 bilang bahagi ng pagsisikap na maprotektahan ang mga maliliit na pelagic fish sa panahon ng kanilang pangingitlog.
Tatagal ang closed fishing season hanggang Agosto 31, 2026 at layuning mapangalagaan ang mga uri ng isda tulad ng matangbaka, alumahan, at galunggong.
Ayon sa BFAR, pinapayagan lamang ang mga rehistradong mangingisda na mangisda gamit ang mga awtorisadong kagamitan tulad ng hook and line, gillnets, at fish pots.
Mahigpit namang ipinagbabawal ang paggamit ng ring nets o kubkuban/likom at bag nets o basnig/tapay-tapay, anuman ang laki ng sasakyang pandagat.
Nagbabala ang ahensya na ang mga lalabag ay maaaring patawan ng multang mula P20,000 hanggang P500,000, pagkakakulong, pagkumpiska ng gamit sa pangingisda, at pagbawi ng kanilang lisensya. Santi Celario