Home METRO Tropa kinitil habang naka-FB live sa Parañaque

Tropa kinitil habang naka-FB live sa Parañaque

24
0

PARAÑAQUE CITY – Inaresto ng mga awtoridad ang isang lalaki matapos umanong mapatay ang kaniyang kaibigan habang naka-Facebook Live sa Barangay San Isidro, Parañaque City.

Ayon sa pulisya, nagsasagawa ng livestream sa Facebook ang 45-anyos na biktima noong Mayo 28 nang biglang lumapit at umatake ang kaniyang kaibigan na nahagip pa sa video.

Nagtamo ng matinding sugat ang biktima at nasawi bago pa man makarating sa ospital.

Naaresto ang 34-anyos na suspek noong Hunyo 1 sa isinagawang hot pursuit operation sa Barangay Singkamas, Makati City.

Gayunman, sinabi ng kapatid ng suspek na kusa umano itong sumuko sa mga awtoridad.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya kaugnay sa insidente. Dave Baluyot

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here