Home METRO Sanggol pinatay, isinilid sa sako sa selos at pagod

Sanggol pinatay, isinilid sa sako sa selos at pagod

24
0

QUEZON CITY – Arestado ang isang 26-anyos na babae matapos umanong patayin ang isang 11-buwang gulang na sanggol na kaniyang inaalagaan at itago ang bangkay nito sa loob ng isang bag sa Barangay Pasong Putik, Quezon City.

Ayon sa pulisya, una pang nag-report ang suspek noong Mayo 30 na dinukot umano ng dalawang hindi nakilalang lalaki ang sanggol mula sa kanilang inuupahang apartment. Gayunman, walang nakitang ebidensya ang mga awtoridad at CCTV footage na sumusuporta sa kaniyang pahayag.

Sa isinagawang inspeksyon sa apartment, natagpuan ng mga pulis ang naaagnas nang katawan ng sanggol sa loob ng isang sako bag sa ikalawang palapag ng bahay.

Sinabi ni Lt. Col. Timothy Aniway Jr. na kalaunan ay inamin ng suspek ang krimen.

Lumitaw sa imbestigasyon na selos at matinding pagod ang posibleng motibo sa krimen. Ayon umano sa suspek, mas binibigyan ng atensyon ng kaniyang live-in partner, na tiyuhin ng biktima, ang sanggol kaysa sa kanilang sariling anak.

Napag-alaman din na nagtatrabaho sa ibang bansa ang ina ng biktima at ipinagkatiwala ang sanggol sa suspek sa loob ng halos tatlong buwan, habang nasa probinsya naman ang ama nito.

“‘Yung live-in partner niya ayon sakanya, mas inuuna, inaaruga o pinapansin ‘yung pamangkin (biktima) kaysa ‘yung anak. Napagod na raw siya, nandilim ‘yung paningin niya,” ani Aniway.

Nasa kustodiya na ng Quezon City Police District Criminal Investigation and Detection Unit ang suspek at nahaharap sa kasong murder. Isinailalim na rin sa autopsy ang labi ng sanggol. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here