Home METRO 9 poste ng kuryente, buwal sa ihip ng hangin sa Obando

9 poste ng kuryente, buwal sa ihip ng hangin sa Obando

22
0

Bulacan — Tumumba ang siyam na poste ng kuryente matapos hagupitin ng malakas na hangin sa bayan ng Obando nitong hapon ng June 1.

Ayon sa pamahalaang bayan ng Obando, agad silang nakipag-ugnayan sa Meralco upang maisagawa ang clearing at mabilis na pagkukumpuni.

Dahil dito, pansamantalang hindi madaraanan ng anumang sasakyan ang JP Rizal Street (Provincial Road) na sakop ng Brgy. Tawiran.

Bilang pag-iingat at upang masiguro ang kaligtasan ng lahat, pansamantalang isinagawa ang power interruption sa mga apektadong lugar habang isinasagawa ang clearing operations at kinakailangang pagkukumpuni.

Inaasahan na ang clearing operations ay aabutin ng maghapon sa June 2, at pinapayuhan ang lahat na umiwas sa nasabing kalsada at gumamit ng alternatibong ruta hanggang sa maibalik sa normal ang sitwasyon.

Bagamat sinasabing natumba ang mga poste dulot ng malakas na hangin, patuloy pa ring inaalam ng mga eksperto ang pinakasanhi nito.

Samantala, walang naiulat na nasaktan o nasawi sa nasabing insidente sa lugar.

Kaugnay nito, bukas ang tahanan ni Mayor Ding Valeda para sa mga kababayang naapektuhan ng pagkawala ng kuryente bilang libreng charging station para sa mga cellphone at iba pang mahahalagang kagamitan.

(Dick Mirasol III)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here