Home Uncategorized 16 lugar makararanas ng danger-level heat index ngayong Martes — PAGASA

16 lugar makararanas ng danger-level heat index ngayong Martes — PAGASA

17
0

MANILA, Philippines — Aabot sa 16 na lugar sa bansa ang inaasahang makararanas ng danger-level heat index ngayong Martes, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Batay sa pinakahuling weather bulletin ng ahensya, inaasahang aabot sa 43°C ang pinakamataas na heat index sa Hunyo 2. Ang antas na ito ay nasa danger category kung saan posible ang heat cramps, heat exhaustion, at heat stroke kapag matagal na nababad sa init.

Inaasahang makapagtatala ng 43°C heat index ang Tuguegarao City, Baler, Infanta, Pili, at Borongan.

Samantala, inaasahang makapagtatala ng 42°C heat index ang Dagupan City, Aparri, Echague, Virac, Masbate City, Catarman, Calbayog, Guiuan, Maasin, Dipolog, at Zamboanga City.

Sa Metro Manila, inaasahang aabot sa 38°C ang heat index sa Quezon City at 41°C sa Pasay City, na kapwa nasa ilalim ng extreme caution category.

Ang heat index o apparent temperature ay tumutukoy sa kombinasyon ng temperatura at halumigmig na siyang nararamdaman ng katawan ng tao. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here