Home HOME BANNER STORY P480 traveler fee na mungkahi ng BI ‘di pa aprubado

P480 traveler fee na mungkahi ng BI ‘di pa aprubado

18
0

MANILA, Philippines — Nilinaw ng Bureau of Immigration (BI) nitong Martes na hindi pa aprubado at patuloy pang nire-review ang panukalang traveler fee na kaugnay ng border modernization project ng ahensya.

Inilabas ng BI ang paglilinaw matapos kumalat ang mga ulat na magsisimula na itong maningil ng P480 na bayarin sa mga biyahero.

Ayon kay BI Commissioner Joel Anthony Viado, inatasan niya ang masusing pagsusuri at konsultasyon sa mga stakeholder kaugnay ng panukalang $4 o humigit-kumulang P247 na user fee sa ilalim ng Civil Aviation and Immigration Security Services (CAISS) project.

“The reports were based on a proposal that has not yet received the final approvals,” ani Viado.

Sinabi ng BI na ang CAISS ay isang public-private partnership initiative na naglalayong pagbutihin ang operasyon ng immigration sa pamamagitan ng advanced biometric systems, real-time risk assessment, data integration, at automated border control technologies.

Ayon pa sa ahensya, susuriin kung makatarungan ang panukalang bayarin batay sa mga benepisyong maibibigay nito sa mga biyahero, kabilang ang mas mabilis na proseso sa paliparan, habang tinitiyak ang data privacy, cybersecurity, transparency, at accountability.

Binigyang-diin ni Viado ang kahalagahan ng modernisasyon ng border management system ngunit sinabi niyang kailangan munang pag-aralan ang magiging epekto nito sa publiko.

“[W]e understand the sentiments of our kababayan, especially during challenging economic times. Any proposal that may affect travelers financially must undergo proper review, consultation, and clear public communication,” dagdag niya. Dave Baluyot

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here