Home HOME BANNER STORY Bonoan nakatanggap na ng medical clearance, pwede na ilipat sa Sandiganbayan –...

Bonoan nakatanggap na ng medical clearance, pwede na ilipat sa Sandiganbayan – PNP hospital

14
0

MANILA, Philippines – Naisyuhan na ng medical clearance si dating Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Manuel Bonoan at handa nang ilipat sa Sandiganbayan, ayon sa Philippine National Police General Hospital (PNPGH) nitong Martes, Hunyo 2.

Sa press briefing, sinabi ni PNPGH chief Police Colonel Cleto Manongas na si Bonoan ay nasa maayos nang kalagayan matapos ang gamutan at monitoring.

“Actually po, nandoon na po yung medical clearance sa director namin…Ni-ready na po namin si former Secretary Bonoan, he can be transferred po,” sinabi ni Cleto.

Ayon kay Manongas, si Bonoan ay dinala sa ospital nitong Lunes matapos dumaing ng kabigatan sa ulo at mataas na blood pressure matapos sumuko sa mga awtoridad.

Unang nairehistro ang 170/100 na blood pressure ni Bonoan.

“As of now, the former secretary is stable. No symptoms and the BP is 120/70.”

Boluntaryong sumuko si Bonoan sa opisina ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) kasunod ng paglalabas ng Sandiganbayan ng arrest warrant kaugnay sa P573 milyong plunder at graft charges. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here