Home NATIONWIDE 4 vlogger na nagpakalat ng fake news sa petisyon ni Bato pinaiimbestigahan...

4 vlogger na nagpakalat ng fake news sa petisyon ni Bato pinaiimbestigahan ng DOJ

16
0

MANILA, Philippines – Inatasan na ng Department of Justice (DOJ) ang National Bureau of Investigation (NBI) na imbestigahan ang apat na vlogger na nagpakalat ng fake news sa petisyon ni Senator Bato Dela Rosa sa Korte Suprema.

Ayon sa DOJ, ito ay matapos nilang matanggap ang referral mula sa Presidential Communications Office.

Sinasabing ang apat na vloggers ay may pangalan sa Facebook na KaChizmaze, Booc TVs, Cris Lademora, at Lenny Quirz/Linie Quirong.

Ipinakalat umano ng mga ito na naglabas ng temporary restraining order ang Kataas-taasang Hukuman upang hindi ipatupad ang warrant of arrest laban sa Senador.

Ayon kay DOJ Spokesperson Atty. Polo Martinez, natanggap na nila kahapon ang referral mula sa PCO para maimbestigahan naman ng NBI at magawan ng karampatang aksyon.

Kabilang aniya rito ang posibleng case build-up para sa pagsasampa ng mga kasong kriminal.

Una nang ibinabala ni PCO Secretary Dave Gomez na isang seryosong opensa ang pagpapakalat ng fake news gaya ng hindi totoong Supreme Court ruling sa social media para sa views, engagement at para kumita ng pera. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here