Home NATIONWIDE Jinggoy Estrada humihiling makapagpiyansa sa plunder case

Jinggoy Estrada humihiling makapagpiyansa sa plunder case

3
0

MANILA, Philippines – Humiling si Senador Jinggoy Estrada sa Sandiganbayan Fifth Division na payagan itong makapagpiyansa para sa kanyang pansamantalang kalayaan sa P573 milyong plunder case laban sa kanya sa umano’y pagbulsa ng mga kickback mula sa flood control projects ng pamahalaan.

Batay sa Sandiganbayan court calendar, tatalakayin ng anti-graft court ang urgent motion ni Estrada para sa pagpipiyansa, maging ang kanyang mosyon na mailipat sa ibang detention facility, alas-8:30 ng umaga ng Huwebes, Hunyo 4.

Ito rin ang kaparehong araw ng nakatakdang arraignment ni Estrada para sa plunder kasama ang apat iba pang co-accused sa kaso.

Ang kanyang co-accused ay sina Public Works Secretary Manuel Bonoan, Department of Public Works and Highways-National Capital Region (DPWH-NCR) Assistant District Engineer Denryl Caesar Sanchez Cortuna, at DPWH NCR District Engineers Manny Bumagat Bulusan at Arturo Lombres Gonzales, Jr.

Bukod sa plunder, sina Estrada, Bonoan at tatlo pang opisyal ng DPWH-NCR ay nahaharap sa reklamong graft sa Fifth Division ng Sandiganbayan.

Sina Estrada at Bonoan naman ay may hiwalay din na graft case sa Sandiganbayan Second Division. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here