Home HOME BANNER STORY Natalo ng Kyrgyzstan: Pinas ligwak sa non-permanent UNSC seat

Natalo ng Kyrgyzstan: Pinas ligwak sa non-permanent UNSC seat

1
0

MANILA, Philippines – NABIGO ang PIlipinas na masungkit ang non-permanent seat sa UN Security Council (UNSC).

Sa katunayan, ang Kyrgyzstan ang nakakuha ng puwesto sa pamamagitan ng 49-142 vote laban sa Pilipinas.

Ang UNSC election, idinaos ng araw ng Miyerkules ay nabigong makuha ang kinakailangan na two-thirds majority, o 128 boto mula sa 191 UN members present at the UN General Assembly (UNGA) sa New York City.

Bago pa ang pinal na bilangan, nagsagawa ang UNGA ng tatlong karagdagang rounds ng botohan matapos na makakuha lamang 85 votes ang Pilipinas at 105 naman para sa Kyrgyzstan para sa first cycle.

Sa second at third balloting, nakakuha ang Pilipinas ng 81 at 68 votes, ayon sa pagkakabanggit para sa Maynila habang 110 at 123 para sa Bishkek, lahat ay kapos para sa kinakailangang numero ng boto.

Sa kabilang dako, sa isang kalatas matapos ang halalan, sinabi ni Foreign Affairs Secretary Ma. Theresa Lazaro na ginagalang ng Maynila ang desisyon ng UN member states at nagpaabot ng pagbati sa Kyrgyzstan sa pagkapanalo nito.

Sa kabila ng bigong masungkit ang UNSC seat, ang Pilipinas aniya ay “remains committed to working with all nations in pursuing peace, stability, sustainable development, and a rules-based international order.”

“We thank the international community for the support and goodwill extended to the Philippines throughout our candidacy,” ayon sa Kalihim.

“Our campaign was anchored on our longstanding commitment to peace, dialogue, international law, and cooperation among nations. These remain principles that the Philippines will continue to uphold and advance in the global community,”ang sinabi pa rin ni Lazaro.

Samantala, nasungkit naman ng Austria, Portugal, Trinidad and Tobago, at Zimbabwe ang apat na natitira pang Council seats na available para sa term 2027 hanggang 2028.

Papalitan ng newly-elected members angl replace Pakistan, Denmark, Panama, Somalia, at Greece kung saan ang term of office ay mapapaso na sa Disyembre 31, 2026.

Ang Kyrgyzstan, nakasungkit ng nag-iisang seat na nakalaan para sa Asia-Pacific regional group, ay magsisilbi sa Council sa kauna-unahang pagkakataon.

Ang UNSC, binubuo ng 15 member-states, kabilang ang Tsina, France, Russia, United Kingdom, at Estados Unidos ay nagsisilbi bilang permanent members. Sa ilalim ng UN Charter, ang lahat ng member-states ay obligadong sumunod sa desisyon ng Konseho. KRIS JOSE

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here