Home NATIONWIDE MMK 2.0 inilunsad ng BFAR sa proteksyon ng PH aquatic resources

MMK 2.0 inilunsad ng BFAR sa proteksyon ng PH aquatic resources

59
0

MANILA, Philippines – Inilunsad ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang Malinis at Masaganang Katubigan (MMK) 2.0, isang pambansang programa na naglalayong palakasin ang pangangalaga sa mga yamang-tubig ng bansa.

Ayon kay BFAR National Director Elizer Salilig, mahalagang katuwang ang mga lokal na pamahalaan at komunidad sa pagprotekta sa mga katubigan at likas-yaman.

Sa ilalim ng pinalawak na programa, isasama na rin ang pangangalaga sa inland fisheries at freshwater resources bukod sa mga baybaying lugar.

Layunin ng MMK 2.0 na isulong ang climate-resilient at ecosystem-based management ng mga yamang-tubig upang matugunan ang epekto ng climate change at pagkasira ng kalikasan.

Hinimok ni Salilig ang mga LGU na lumahok at ibahagi ang kanilang mga epektibong programa at inobasyon sa pangangalaga ng kapaligiran.

Ang mga tatanghaling national champion ay makatatanggap ng P5 milyong grant at pagkilala mula sa BFAR para sa pagpapatuloy ng kanilang mga programang pangisdaan at pangkalikasan.

Ang MMK 2.0 ay may tatlong taong implementasyon kung saan nakatuon ang unang taon sa information at capacity-building activities, habang magkakaroon ng search para sa natatanging coastal at inland fisheries LGUs sa mga susunod na taon.

Pormal na inilunsad ang programa sa Brgy. Olo-olo, Lobo, Batangas noong Mayo 28. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here