Home NATIONWIDE PBBM handang magpatawag ng special session sa pagpasa ng 21 priority bills

PBBM handang magpatawag ng special session sa pagpasa ng 21 priority bills

3
0

MANILA, Philippines – HANDA si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na tumawag ng special session para talakayin ang 21 priority measures para maipasa ang mga ito ng Kongreso bago pa ang 5th State of the Nation Address (SONA) ng Pangulo.

Iyon nga lamang ayon kay Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro ay kung hihiling ng special session si acting Senate President Sherwin Gatchalian.

Kung bakit si Gatchalian, sinabi ni Castro na ang liderato lamang ni Gatchalian ang kinikilala ng Malakanyang.

Aniya, tanging kinikilala lamang ng Ehekutibo ay ang lahat ng mga mensahe mula sa bagong Senate leadership.

“Yes, opo, inclined ang Presidente to give in to the…request for a special session. Bakit? Kasi kung maraming maantala dahil sa nangyayaring ganitong kaganapan, hindi po nais ng Pangulo na magkaroon ng pag-antala sa trabaho ng Senado,” ang sinabi ni Castro.

“Provided lamang po ang official request ay dapat po rin kinapapalooban ng valid grounds for a calling of a special session,” aniya pa rin.

Nahalal, araw ng Miyerkules si Sen. Win Gatchalian bilang bagong Senate President Pro Tempore na tatayo ring acting Senate President.

Sinabi ni Castro na sa oras na magpadala ng formal request si Gatchalian ay kaagad silang aakto “as soon as possible.” KRIS JOSE

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here