Home NATIONWIDE 2 ‘big fish’ na tulak timbog sa P346K ‘bato’ sa Bulacan

2 ‘big fish’ na tulak timbog sa P346K ‘bato’ sa Bulacan

2
0

Bulacan – Arestado ang dalawang indibiduwal nang mahulihan ng P346,800.00 halaga ng iligal na droga sa buy-bust operation ng pulisya sa bayan ng Bocaue nitong June 4.

Sa ulat ng Bocaue police station, kinilala ang dalawang naarestong suspek na sina alyas “Gina” at alyas “Pong” kapwa nakalista bilang High Value Individual (HVI)

Ayon sa ulat, ikinasa ang operasyon ng Station Drug Enforcement Unit ng istasyon laban sa mga target bandang 3:05 ng madaling araw sa Sitio Pansol, Brgy. Caingin.

Nakumpiska sa operasyon ang 51 grams ng hinihinalang shabu na may standard Drug Price na P346,800.00.

Nahaharap ang dalawang suspek sa kaukulang kaso habang nakakulong sa nasabing istasyon. Dick Mirasol III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here