Home HOME BANNER STORY Tag-ulan opisyal nang nagsimula — PAGASA

Tag-ulan opisyal nang nagsimula — PAGASA

4
0

MANILA, Philippines — Opisyal nang idineklara ng Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang pagsisimula ng tag-ulan matapos makapagtala ng paminsan-minsan hanggang madalas na pag-ulan dulot ng southwest monsoon o “habagat” sa nakalipas na limang araw.

“This signifies the onset of rainy season across the western sections of Luzon and the Visayas,” ayon kay PAGASA Administrator Nathaniel Servando.

Ayon sa PAGASA, maaari pa ring magkaroon ng monsoon breaks o mga panahong mababawasan ang pag-ulan na maaaring tumagal ng ilang araw o linggo.

Sinabi rin ng ahensya na dahil sa nakaambang El Niño, mataas ang posibilidad ng mas malalakas na pag-ulan na dala ng habagat sa mga kanlurang bahagi ng Luzon at Visayas sa panahon ng tag-ulan.

Pinayuhan ng PAGASA ang publiko at mga kinauukulang ahensya na magsagawa ng kinakailangang pag-iingat laban sa mga posibleng epekto ng tag-ulan. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here