Home ENTERTAINMENT Zela, dumayo sa Thailand sa shoot ng music video!

Zela, dumayo sa Thailand sa shoot ng music video!

2
0
Screenshot

Manila, Philippines – Patuloy na umaangat ang singing career ng P-pop solo artist na si ZéLa matapos niyang i-launch ang kanyang debut album na Lockhart sa ilalim ng AQ Prime Music.

Ang album ay binubuo ng 10 songs na nagpapakita ng kanyang husay bilang mang-aawit at songwriter, kabilang ang mga kantang tumatalakay sa women empowerment, pagmamahal, at personal na karanasan.

Sa isang recent mediacon, ibinahagi ni ZéLa na katatapos lamang nila ng isang espesyal na music video shoot sa Thailand para sa isa sa mga kanta sa kanyang album.

Ayon sa singer, ang kantang ito ang ika-siyam na track sa Lockhart which is Hanap Ka Na Lang Ng Iba.

Ayon kay Zela, ang music video shoot ay isa sa mga pinakaaabangang bahagi ng kanyang album campaign.

Ikinatuwa rin ni ZéLa ang chance na makapag-shoot sa Thailand dahil nagbigay ito ng panibagong kulay at mas international ambience sa kanyang music video.

Inaasahang tampok sa video ang magagandang lokasyon at cinematic visuals na magpapatingkad sa mensahe ng kanta.

Matatandaang naging aktibo rin si ZéLa sa iba’t ibang music projects sa ilalim ng AQ Prime Music, kabilang ang matagumpay na kolaborasyon niya sa P-pop group na BILIB para sa kantang “Gimme The Music.”

Sa patuloy na paglawak ng kanyang career, umaasa si ZéLa na mas marami pang music lovers ang maaabot ng kanyang musika hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa international scene.

Anyway, si Zela ay kabilang sa mga nominado sa 17th PMPC Star Awards for Music 2026.

Ang kanyang nominasyon ay sa kategoryang

Female R&B Artist of the Year kung saan makakalaban niya sina Janella Salvador, Klarisse de Guzman, Karylle, Marion Aunor, Princess Velasco, Dia Mate at Janah Zaplan.

JP Ignacio

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here