MANILA, Philippines – NANANATILI ang commitmentt ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) na palakasin ang transmission network ng bansa.
Layon nito na patuloy na masuportahan ang matatag, katiwa -tiwala at malakas na power system.
Sinabi ng NGCP, patuloy na nagpapatupad ang korporasyon ng mga kritikal na transmission projects upang matugunan ang lumalaking demand at masuportahan ang integration ng mga bagong planta ng kuryente at renewable energy sources.
Sa kabilang dako, welcome sa NGCP ang patuloy na pagtutok ng pamahalaan sa sektor ng enerhiya at ang panawagan para sa napapanahong pagpapalabas ng mga permit at hindi naantalang right of way access upang mapabilis ang pagkumpleto sa mga pangunahing transmission projects.
Muli namang umapela ang NGCP para sa isang holistic, industry wide long term developmet plan, na may pagtutok sa mga kritikal na isyu tulad ng sapat at non intermittent baseload supply, maintenance ng energy mix na may tinatawag na geographically spreat out plants na may ibat ibang teknoloya, at resource adequacy-based planning.
Ang pahayag na ito ng NGCP ay sa gitna na rin ng utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Department of Energy (DoE) na tingnan ang mga proyektong ginagawa ng ngcp at ang pag review sa performance ng korporasyon, upang matiyak na natutugunan ang mga pangangailangan at problema sa suplay ng enerhiya sa bansa.
Nauna rito, pinasisilip ni Pangulong Marcos ang kalagayan ng mga proyekto at performance ng NGCP.
Sa katunayan, ipinag utos ni Pangulong Marcos sa DoE na silipin ang estado ngayon ng mga proyektong ginagawa ng national grid corporation of the philippines.
Ayon kay Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro, ang utos ng Pangulo ay sa gitna na rin ng iba’t ibang usapin na may kinalaman sa sitwasyon ng kuryente at enerhiya sa bansa na dapat aniyang matugunan.
Kasabay nito, pinarerebisang mabuti ng Pangulo ang performance ng NGCP.
Nais na matiyak ng Pangulo mula sa Energy Regulatory Commission (ERC) na tapos na ang trabaho ng NGCP na nangangasiwa sa transmission system ng kuryente sa Pilipinas.
Kasama rin aniya sa utos ng Pangulo ang pagpapagawa ng bagong power plants at transmission network gayundin ang pagpapatupad ng interventions para tugunan ang mga problemang nagpapa- antala sa konstruksiyon ng submarine cables at transmission lines. KRIS JOSE