MANILA, Philippines – Napanatili ng Tropical Depression Ester ang lakas nito habang nasa dagat sa silangan ng Taiwan.
Ayon sa PAGASA, huling namataan ang Tropical Depression Ester sa layong 300 kilometro hilaga ng Itbayat, Batanes.
Taglay nito ang lakas ng hangin na 45 kilometro kada oras at pagbugso na hanggang 55 kilometro kada oras.
Kumikilos ito sa direksyong north northeastward sa bilis na 15 kilometro kada oras.
Nakataas ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 1 sa hilagang bahagi ng Batanes o Itbayat.
Samantala, patuloy na nakakaapekto ang Habagat sa kanlurang bahagi ng Luzon partikular na ang Ilocos Region at kanlurang bahagi ng Central Luzon na magdadala ng pabugso-bugsong malalakas na pag-ulan ngayong Sabado, Hunyo 6. RNT/JGC