Bulacan – Arestado ng mga awtoridad ang 3,407 drug personalities habang nakasamsam din ng P89 million halaga ng iligal na droga sa Central Luzon kabilang ang lalawigang ito.
Sa ulat ng Police Regional Office 3 (PRO3) ikinasa nila ang 2,494 operasyon kontra iligal na droga sa loob ng 100 araw sa buong rehiyon.
Dahil dito, nakasamsam ang PRO3 ng kabuuang P89 million halaga ng ilgal na droga.
Nabatid din na nakaaresto din ang PRO3 ng 349 indibiduwal sa loose firearms habang nakarekober din sila ng 1,467 firearms.
Samantala, huli rin ang 2,938 wanted persona kabilang ang 673 Most Wanted Persons sa rehiyon.
Kaugnay nito, 119 indibiduwal na sangkot sa ibat-ibang krimen ang naposasan sa pamamagitan ng search warrants.
Sinasabing nangyari ang lahat ng ito sa loob ng 100 days ng panunungkulan ni Regional Director PBGEN Jess Mendez mula February 24 hanggang 3..
“These gains are the result of the hard work and commitment of our police officers on the ground. Guided by the PNP Focused Agenda, we will continue to intensify our operations against criminality,uphold integrity within our ranks and strengthen our partnership with the communities we serve,” anang heneral. Dick Mirasol