Home HOME BANNER STORY Ulat na nakita si Bato sakay ng yate patungong probinsya biniberipika ng...

Ulat na nakita si Bato sakay ng yate patungong probinsya biniberipika ng NBI

4
0

MANILA, Philippines – “Baka nililigaw tayo.”

Ito ang naging tugon ng National Bureau of Investigation matapos sabihin na biniberipika nito ang ulat na nakita umano si Senador Ronald “Bato” Dela Rosa sakay ng isang yate patungo sa isang probinsya.

Ayon kay NBI director Melvin Matibag, ang report na ito ay posibleng layon na iligaw ang mga awtoridad na aaresto kay Bato.

Si Dela Rosa ay wanted ng International Criminal Court, at tinukoy bilang co-perpetrator ni dating Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa umano’y crimes against humanity, na nag-ugat sa drug war deaths.

Ang senador ay huling nakita sa Senado noong Mayo 14, ilang oras matapos magkaputukan sa Senado na tinawag ng iba bilang “diversion tactic” para sa pagtakas nito. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here