Home NATIONWIDE P4.4M ismagel na sigarilyo nasamsam sa Lanao del Sur

P4.4M ismagel na sigarilyo nasamsam sa Lanao del Sur

2
0

MANILA, Philippines – Naharang ng pulisya sa Malabang, Lanao del Sur ang nasa P4.4 milyong halaga ng hinihinalang ismagel na sigarilyo at naaresto ang tatlong indibidwal na nasa likod nito.

Ayon kay Brig. Gen. Christopher Abecia, director ng Police Regional Office– Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao(PRO-BAR), ang mga suspek ay naaresto 2:30 ng madaling araw ng Sabado, Hunyo 6, sa checkpoint sa Barangay Matling, Malabang.

Ikinasa ang operasyon ng mga tauhan ng Malabang police, 2nd Provincial Mobile Force Company ng Lanao del Sur Police Provincial Office, at tropa mula sa Army 101st Infantry Brigade.

Sa inisyal na imbestigasyon, ang mga suspek ay bumibiyahe sakay ng tatlong sasakyan mula sa Picong patungo sa Marawi City nang sila ay harangin sa isang checkpoint.

Ani Abecia, naghinala ang mga pulis matapos mapansin na tila hindi mapakali ang mga drayber sa isang routine inspection.

Sa mas malalim na visual inspection ng mga sasakyan ay nadiskubre ang malaking bulto ng mga sigarilyo na pinaniniwalaang smuggled.

Nakumpiska ng mga awtoridad ang 700 reams ng BERLIN cigarettes, 1,800 reams ng CANNON Menthol cigarettes, at 3,000 reams ng ARIS cigarettes, na tinatayang nagkakahalaga ng P4.4 milyon.

Ang mga nakumpiskang item ay wala umanong tax stamp o importation documents.

Nasa kustodiya na ng pulisya ang tatlong suspek na nahaharap sa reklamo.

Nasa Malabang Municipal Police Station naman ang mga nakumpiskang sigarilyo para sa dokumentasyon at imbentaryo saka ililipat sa Bureau of Customs para sa tamang disposisyon. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here