MANILA, Philippines – Sa pagbabalik eskuwela, ang Philippine Coast Guard ay nakapagtala ng 18,464 outbound at 16,827 inbound passengers sa lahat ng pantalan sa buong bansa ngayong June 7.
Bukod dito, na-monitor ang 5,424 na frontline personnel na nakadeploy sa 16 na PCG District, 1,026 na barko, at 64 na motorbanca.
Nasa heightened alert ang mga distrito, istasyon, at substasyon ng PCG upang pamahalaan ang pagdagsa ng mga pasahero sa pantalan ngayong Balik Eskwela 2026.
Ayon sa PCG, inaasahang tataas pa ang bilang ng mga pasahero na hahabol na makabalik sa kanilang probinsya o sa Maynila matapos ang mahaba nilang break o bakasyon sa eskuwela. Jocelyn Tabangcura-Domenden