Home NATIONWIDE PH Marines chief nagpaalala: ‘Ethos, traditions’ protektahan sa gitna ng flood control...

PH Marines chief nagpaalala: ‘Ethos, traditions’ protektahan sa gitna ng flood control mess

3
0

MANILA, Philippines – HINIKAYAT ng Commandant of the Philippine Marine Corps ang mga Marines na panindigan ang “time-honored ethos and esprit de corps” nito sa gitna ng nagpapatuloy na flood control mess kung saan may ilan na dating miyembro nito ang nagsasabi na sangkot sa paghahatid ng pera sa mga mambabatas.

“Reiterating our time-honored Marine ethos and our unquestioned and strong esprit de corps, an individual who was Discharged Without Honor could not claim the adage ‘Once a Marine, Always a Marine’ to lend credence to his actions,” ayon kay Major General Vicente Blanco III.

“It is unfortunate that in the recent presscon called by a private lawyer, 3 retired Marines involved themselves. Barring use of force, threats, intimidation, and/or promise of rewards to them (3 retired Marines), based on the information available to us, we understand that their involvement was entirely of their own choosing, and that they did this on their own personal volition and as such, we should always look with disdain against opportunistic groups or individuals trying to link their actions as being true Marine – they are unworthy of our respect,” litaniya nito.

Matatandaang, binatikos ni Maj. Gen. Blanco ang mga dating Marines para sa kanilang pagkakasangkot sa usapin na paghahatid ng pera sa mga mambabatas.

“It is unfortunate that in the recent presscon called by a private lawyer, three retired Marines involved themselves,” ang sinabi ni Blanco sa isnag kalatas na ang pinatutungkulan ay ang mga dating servicemen.

Nauna rito, inihayag ng mga nagpakilalang mga dating miyembro ng Philippine Marines na naghatid sila ng mga maleta ng pera kina Pangulong Ferdinand Marcos Jr, mga senador na sina Vicente “Tito” Sotto III at Erwin Tulfo, at mga kongresista na sina Leila de Lima at France Castro, at iba pa.

Sa pagdinig na ginawa ng Blue Ribbon committee sa Senado na pinangunahan ni Senador Pia Cayetano tungkol sa kontrobersiyal na flood control funds, sinabi ni Johnny Buduan na noong 2022 nang maghatid sila ng limang maleta sa Ilocos Norte.

Bilang tugon, hinamon ng Malacañang ang mga dating sundalo umano na magpakita ng ebidensiya para sa kanilang mga paratang.

“Pakita muna nila ‘yung ebidensya. Madali kasing magturo, lalo na kung ang balak mo lang naman talaga ay manggiba at magsilbing isang obstructionist or destabilizer,” ayon kay Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro.

Samantala, sinabi ni National Bureau of Investigation (NBI) Director Melvin Matibag na may isang informant ang nagsabi sa bureau na na sinuhulan di umano ni dating AnaKalusugan Representative Mike Defensor ang mga dating Marines at sundalo para idiin ang ilang personalidad na tumanggap ng cash mula kay dating Ako Bicol Party-List Representative Zaldy Co.

Kaagad namang itinanggi ni Defensor ang mga alegasyong sinuhulan niya ang 18 nagpakilalang ex-Marines ng P5 milyon bawat isa para tumestigo sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee kaugnay ng flood control anomalies.

Ayon kay Defensor, gawa-gawang kwento na walang batayan ang paratang laban sa kaniya.

Tinawag din ng dating mambabatas na “double hearsay” ang natanggap na impormasyon ng National Bureau of Investigation (NBI). Aniya, binasa niya mismo ang affidavit ng indibidwal na nagbigay ng impormasyon na mula sa isang “son-in-law” kung saan ikinuwento niyang may ibinigay na P5 million subalit hindi pa umano naibibigay ng buo.

Giit ni Defensor, wala sa mga dating sundalo ang nagkwento at narinig lamang ng naturang indibidwal ang kwento mula sa kaniyang biyenan na kasama ng 18 ex-Marines.

Kaugnay nito, kinuwestyon ni Defensor kung bakit pinatulan ito ng NBI na tinawag niyang isang hindi beripikadong account o impormasyon. KRIS JOSE

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here