Home NATIONWIDE Dalawang lalaking palaban na dinukot, natunton sa Bulacan

Dalawang lalaking palaban na dinukot, natunton sa Bulacan

1
0

Bulacan – Dalawang lalaking “pogi” at matapang umano ang dinukot ng hindi pa nakilalang salarin sa bayan ng Bocaue iniulat nitong Sabado, Hunyo 6.

Sa ulat ng Barangay Batia, nakipag-ugnayan sa kanilang tanggapan ang residente ng Brgy. Biñang 2nd na dalawang lalaking pogi at matapang ang nawawala sa kanilang lugar.

Dahil dito, agad kumilos ang mga tanod sa lugar kaya natunton kung saan ito naisalya kaya naibalik ito kalaunan sa kanilang lugar.

Paalala ng kinauukulan na magdoble ingat at tiyaking doble lock ang inyong mga bahay bago matulog.

Ayon sa mga nakakitang netizen sa Facebook post na nagviral tungkol dito, ang dalawang lalaki ay mga quality itong panabong na kulay pula at puti. Dick Mirasol III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here