SANTIAGO CITY – Tatlong obrero ang naaresto matapos isagawa ang buy bust operation ng Philippines Drugs Enforcement Agencgy o PDEA Region 02 at kapulisan sa isang drug den sa Barangay Calao West, Santiago City.
Sa pinaigting na kampanya laban sa illegal drugs ni Regional Director Gil Cesario Castro ng PDEA Region 2 ay naaresto ang tatlong construction worker na sina alyas “Fredo,” “Jong,” at “Mon.” Ang mga suspek ay itinuturing na High Value Individuals (HVI) sa kampanya laban sa ilegal na droga.
Ayon sa PDEA, isinailalim ang lugar sa dalawang buwang surveillance matapos makatanggap ng impormasyon mula sa isang concerned citizen. Sa nasabing pagsalakay, nakumpiska ang humigit-kumulang 10 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng ₱68,000, kasama ang mga drug paraphernalia at buy-bust money.
Napag-alaman din na si alyas “Fredo” ang may-ari ng drug den at may dati nang record sa katulad na kaso.
Nahaharap ang tatlong suspek sa paglabag na may k8nalaman sa R.A 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. Rey Velasco