Home NATIONWIDE SY 2026-2027 reforms itinutulak para sa ‘better learning, stronger teacher support’ 

SY 2026-2027 reforms itinutulak para sa ‘better learning, stronger teacher support’ 

1
0
Pormal nang nagsimula ang pasukan ng mga estudyante sa mga pampublikong paaralan sa bansa ngayong Lunes, Hunyo 8, 2026.Kabilang dito ang Malabon Elementary School kung saan nagbigay pa ng libreng almusal na sopas ang pamahalaang lungsod para sa mga mag-aaral. JOJO RABULAN

MANILA, Philippines – ITINUTULAK ng Department of Education (DepEd) ang educational reforms na naglalayon na tulungan ang eskuwelahan na makamit ang “better learning and stronger support for teachers” sa darating na school year 2026–2027.

“Ginawa natin ang mga repormang ito upang gawing mas malinaw ang sistema, mas epektibo ang pagtuturo, at mas nakatuon sa pangangailangan ng mga mag-aaral,” ang sinabi ni DepEd Secretary Sonny Angara.

Sa pagtataya ng DepEd, mahigit sa 26 milyong mag-aaral at halos 900,000 guro sa uong bansa ang makikinabang mula sa kanilang “comprehensive package of reforms.”

Matagumpay na natapos ng Department of Education (DepEd) ang serye ng nationwide orientations para sa Learning Systems Reform Policies upang ihanda ang mga guro at school heads sa lahat ng rehiyon para sa maayos at unipormeng implementasyon ng mga pangunahing reporma sa edukasyon sa darating na school year.

Saklaw ng nationwide orientation series ang mga mahahalagang reporma sa Learning Systems, kabilang ang Three-Term School Calendar; Revised Guidelines on Lesson Planning; Classroom Assessment, Grading System, Awards and Recognition; Flexible Learning Programs; Education in Emergencies; Work Immersion; at ang Strengthened Senior High School Curriculum.

Ang orientation series ay tugon sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na palakasin ang mga reporma sa basic education sa pamamagitan ng mas malinaw na suporta sa implementasyon para sa mga guro, pinuno ng paaralan, at mga mag-aaral.

“Patuloy tayong magbibigay ng malinaw na gabay, sasagot sa mga tanong mula sa field, at makikinig sa feedback para masigurong ang mga reporma ay tunay na makatutulong sa pagtuturo at pagkatuto,” ayon kay Education Secretary Sonny Angara.

Matapos ang mga oryentasyon, ipagpapatuloy ng DepEd ang monitoring, feedback gathering, at teknikal na tulong upang gabayan ang mga paaralan sa kanilang transisyon.

Hinimok din ng Kagawaran ang mga guro at school leaders na gamitin ang Learning Systems Guidebook , na nagsisilbing sentralisadong reference hub na naglalaman ng mga policy guide, teacher toolkit, maiikling instructional video, at opisyal na feedback channels. KRIS JOSE

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here