MANILA, Philippines – Hindi maituturing na pagdinig ang isinagawang “pulong” ng ilang resource person at Senate blue Ribbon Committee sa pamumuno ni Senador Erwin Tulfo hinggil sa flood control scandal na naunang inimbestigahan ng Senado.
Sa pagsisimula ng meeting, magkahiwalay na sinabi nina Erwin, chairman ng Blue Ribbon committee at Senador Francis “Kiko” Pangilinan, vice chairman ng komite na hindi pagdinig na maituturing na pagdinig ang pulong dahil hindi pa kumpleto ang miyembro ng lupon.
“Today, we gather for the consultative meeting and our organizational briefing to organize the Blue Ribbon Committee under the present majority bloc headed by our Senate [President] Pro Tempore and Acting Senate President Sherwin Gatchalian,” ayon kay Tulfo.
Aniya: “To be clear, we will be asking updates from the executive agencies. As we proceed, this Committee must likewise address the circumstances surrounding the June 4 press conference held in this session hall.”
“Sa isinigawang ilehitimong pagdinig muling naungkat ang mga testimonya ng “18 maleta boys” kaugnay sa diumano’y milyun-milyong kickback mula sa FLOOD CONTROL projects na dineliver daw nila sa ilang mga opisyal, kabilang na po sa inyong lingkod, at maging sa isang pari. Ito po ay WALANG BASEHAN at WALANG KATOTOHANAN. Ni walang naipresintang dokumento, resibo, o anumang konkretong patunay… kundi puro mga salita lamang,” paliwanag ni Tulfo.
“Madaling magturo, madaling gumawa ng kwento, at napakadaling manira ng reputasyon. Kaya tungkulin ng Blue Ribbon Committee na tiyaking ang bawat alegasyon ay nakabatay sa matibay na ebidensya, at mapagkakatiwalaang testimonya. Hindi po tayo papayag na basta na lamang may darating po dito sa komite po na ito para maglahad ng kung ano-ano na wala naman pong ebidensya o mga testigo na bigla na lamang susulpot, kinabukasan di na mahagilap. Hindi tayo narito upang magbigay ng hatol batay lamang sa mga haka-haka. Narito tayo upang alamin ang katotohanan,” dagdag niya.
Kasabay nito, pinatunayan naman ni Pangilinan na pawang consultative at organizational meeting ang nangyaring pulong at hindi maituturing na opisyal na pagdinig.
“As earlier noted for the record, today’s proceedings are being conducted as a consultation and organizational meeting rather than a hearing of the committee. The purpose is to facilitate the orderly transition and continuity of the committee’s work pending the completion of its reorganization and membership and formal constitution of the committee,” ayon kay Pangilinan. Ernie Reyes