Home NATIONWIDE DOH, agad na kumilos matapos M7.8 lindol sa Mindanao

DOH, agad na kumilos matapos M7.8 lindol sa Mindanao

3
0

MANILA, Philippines – Agad na pinakilos ng Department of Health (DOH) ang mga tanggapan at tauhan nito matapos ang nangyaring lindol sa General Santos City. 

Sa pahayag ni DOH Usec. at spokesperson Dr. Albert Domingo, agad na pinagana ang crisis protocol sa mga hospital na nasa ilalim ng kanilang pangangalaga gayundin ang Centers for Health Development sa regional offices. 

Ito’y matapos masuri ang kaligtasan ng mga kawani upang matiyak na buo at ganap ang kakayahan nilang tumulong. 

Kasabay nito, agad rin nagsagawa ng rapid assessment ang DOH katuwang ang LGUs para malaman ang katayuan ng mga health facilities kung ito ay maayos at walang problema. 

Kasama sa mga sinuri ay ang mga pribadong ospital at klinika. 

Ang mga health emergency response team (HERT) naman sa mga ospital ng DOH at sa mga CHD ay ide-deploy batay sa ground operations.

Habang ang lahat ng tatlong WHO-recognized Philippine Emergency Medical Assistance Teams (PEMATs) mula sa Luzon at Visayas ay naka-standby upang magtatag ng mga field hospital. 

Kaugnay nito, pinapaalalahan ang lahat sa lugar na pinangyarihan na mag-ingat sa mga aftershocks at alamin ang umiiral na tsunami warning. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here