Home NATIONWIDE Alegasyon vs Legarda, binawi ng 18 “ex-bagmen”

Alegasyon vs Legarda, binawi ng 18 “ex-bagmen”

3
0

MANILA, Philippines – Binawi ng mga umano’y dating empleyado ni Rep. Zaldy Co ang naunang pahayag na naghatid sila ng mga maletang puno ng pera kay Sen. Loren Legarda, ayon sa kanilang abogado na si Levito Baligod.

Sinabi ni Baligod nitong Lunes na inamin ng mga tinaguriang “ex-bagmen” na nagkamali sila sa kanilang alegasyon na nakatanggap si Legarda ng dalawang maletang may laman na pera mula kay Co.

Nilinaw ng abogado na dalawa sa mga indibidwal ay hindi naman talaga nakapasok sa loob ng bahay ng senador upang ihatid ang mga maleta, taliwas sa kanilang naunang pahayag.

Gayunman, wala pang naihahaing bagong o itinamang affidavit sa Office of the Ombudsman.

Ayon pa kay Baligod, maaari ring magsampa si Legarda ng kasong perjury laban sa dalawang umano’y bagmen dahil sa kanilang maling salaysay. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here