Home NATIONWIDE 14 dating empleyado ni Zaldy Co, handang tumestigo sa Senado – Baligod

14 dating empleyado ni Zaldy Co, handang tumestigo sa Senado – Baligod

1
0

MANILA, Philippines – Inihayag nitong Lunes ni Atty. Levito Baligod na may 14 pang umano’y dating empleyado ni ex-Congressman Zaldy Co na handang humarap sa imbestigasyon ng Senado.

Dagdag ito sa unang 18 indibidwal na nagpakilalang mga “bagmen” ni Co at nagsabing naghatid sila ng mga maletang may lamang pera sa ilang opisyal ng gobyerno kaugnay ng umano’y flood control scandal.

Ayon kay Baligod, isusumite niya ang listahan ng 14 sa Sen. Robin Padilla, na kinikilala ng mga ito bilang miyembro ng Senate Blue Ribbon Committee.

Sinabi rin niya na may isa pang grupo na binubuo ng pitong tao na maaari ring iharap sa Senado, ngunit tinawag niyang “sensitive” pa ang kanilang sitwasyon.

Samantala, nauna nang nahalal si Sen. Erwin Tulfo bilang chairperson ng komite kapalit ni Sen. Pia Cayetano, ngunit iginiit ng Cayetano bloc na hindi balido ang naturang pagkakahalal. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here