Home METRO Operasyon sa mga korte na apektado ng M7.8 lindol sa Mindanao, suspendido

Operasyon sa mga korte na apektado ng M7.8 lindol sa Mindanao, suspendido

3
0

MANILA, Philippines – Sinuspinde ngayong araw, June 8 ang operasyon ng mga korte sa mga lugar na naapektuhan ng magnitude 7.8 na lindol sa Mindanao.

Ayon sa Korte Supreme, patuloy nilang binabantayan ang sitwasyon sa mga apektadong lugar.

Kabilang sa mga Sinuspinde ang operasyon ang lahat ng korte sa ilalim ng Judicial region IX o lahat ng korte sa hurisdiskyon ng Zamboanga City.

Gayunin ang Judicial Region XI , mga korte s alaalwigan ng sarngani, mga korte sa Digos City,island garden City of Samal, agum City at sa Davao Oriental, Davao De Oro,mati City, davao del Sur,Sputh Cotgabato,davao City at Davao del Sur.

Suspindido rin ang operasyon ng mfa korte sa tacurong City at sa Sultan Kudarat o Judicial Region XII.

Tumama ang magnitude 7.8 na lindol sa baybayin ng Sarangani 7:37 ng umaga ng Lunes ,June 8 .

Naglabas ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology o Phivolcs ng tsunami warning para s ailang baybaying lalawigan ng Minadanao.

Sa pinakahuling ulat ng Phivolcs, nakapagtala ang mga sea-level monitoring station ng mga along ng tsunami na may ibat-ibang taas,Kabilang ang pinakamataas na 1.4 meters.

Ayon pa sa Phivolcs, nagpapatuloy pa rin ang aktibidad ng tsnamin at patuloy na nakakapagtala ng mga tsunami wave ang mga sea-level monitoring station sa silang bahagi ng Mindanao silang oras matapos ang lindol. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here