Home SPORTS Rondina, Pons sumungkit ng silver sa Beach Volley

Rondina, Pons sumungkit ng silver sa Beach Volley

2
0

MANILA, Philippines — Nahulog sina Sisi Rondina at Bernadeth Pons sa kanilang golden bid matapos matisod sa mas matangkad, mas may karanasan na Australian pares nina Taliquia Clancy at Stefamie Fejes, 21-19, 21-12, sa AVC Beach Tour’s 2nd Pingtung Open sa Dapeng Bay sa Chinese Taipei.

Nalaglag sa pilak ang reigning Southeast Asian Games gold medalists ngunit ang pakiramdam ay parang nag-uuwi na rin ng ginto dahil isa ito sa pinakamahusay, kung hindi man ang pinakamahusay, na pagtatapos nila sa isang international event.

Bagama’t dapat makakuha ang mga Pinay ng mga puntos sa ranggo, ang karanasan ang higit na mahalaga habang sila ay patuloy na bumubuo para sa mas malalaking laban sa hinaharap kabilang ang Asian Games ngayong Setyembre sa Nagoya, Japan.

Ang tandem na mas kilala sa tawag na “SiPons” ay umararo sa isang mahirap na larangan, nag-ukit ng mga panalo kina Jasmine Fleming at Elizabeth Achin ng Australia, 21-18, 33-31, sa quarters at Kongphopsarutawadee Worapeerachayakorn at Taravadee Naraphornrapat ng Thailand, 21-27, 26 sa semi-finals.JC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here