Home SPORTS Filipino rowers sumagwan ng karangalan sa Asian tilt

Filipino rowers sumagwan ng karangalan sa Asian tilt

2
0

MANILA, Philippines — Sumungkit ang Team Philippines ng gold at silver sa Asian Rowing Beach Sprint Championships sa Pattaya, Thailand.

Naibulsa ni Emman Pillar ang ginto sa Under-16 Coastal Men’s Solo, habang natangay ni Matt Jugadora ang pilak sa Under-19 Coastal Men’s Solo sa Jomtien Beach sa Pattaya.

Sa huling araw ng kumpetisyon noong Linggo, ang Team Philippines ay lalong nagsagwan at humataw para sa dalawa pang gintong medalya sa Under-19 Coastal Women’s Double Sculls sa kagandahang-loob nina Ayonna Huerto at Khayzie Caviltes; at ang Under-16 Coastal Men’s Double Sculls sa likod nina Kyle Olano at Pilar.

Inilarawan ito ni Philippine Sports Commission chairman at dating Philippine Rowing Association president Patrick Gregorio bilang isang “nakamamanghang, positibong pag-unlad” laban sa mga rowing nation sa Asya.

Kilalang-kilala ni Gregorio sina Pillar at Jugadora dahil sa kanyang pagbabantay, bilang pinuno ng rowing ng bansa, nadiskubre, inalagaan at hinasa ang mga batang atletang ito.
“Sila ang mga kayamanan ng karagatan ng Pilipinas,” ani Gregorio.

“They are sons of fishermen. They are our grassroots rowers from Ternate, Cavite,” wika ni Gregorio, na bilang PSC chairman ay nag-initiate ng malawakan at nationwide na grassroots program sa lahat ng sports.

Ang beach sprint rowing ay isang mabilis na umuunlad na sport, isang ganap na kakaibang format mula sa tradisyonal na rowing dahil pinagsasama nito ang beach running, open-water rowing, buoy turn at sprint racing.

Sinabi ni Gregorio na ang format ay angkop sa mga Filipino rowers dahil sa kanilang “lakas, mahusay na balanse, bilis at liksi.”

Si Gregorio, na naging pinuno ng ahensya ng pampalakasan ng gobyerno noong Hulyo ng nakaraang taon, ay nagbuo ng programang pang-national grassroots na naisip din ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. bilang “From Grassroots to Gold. From Gold to Greatness.”

“We are looking at future Olympians in Pillar and Jugadora,” dagdag ni Gregorio, umaasang ang “treasures” mula Ternate ay makakasama sa short list ng Filipino rowers na pwedeng sumabak sa Olympics.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here