Home HOME BANNER STORY OCD: Death toll sa Mindanao quake umabot na sa 19

OCD: Death toll sa Mindanao quake umabot na sa 19

3
0

MANILA, Philippines – Umabot na sa 19 ang kumpirmadong nasawi sa magnitude 7.8 na lindol sa Mindanao, ayon sa Office of Civil Defense (OCD) nitong Lunes.

“Doon sa mga reports na natanggap natin, sa ngayon meron pong 19 na hindi nakaligtas doon sa lindol,” sabi ni OCD spokesperson Junie Castillo.

Dagdag niya, “Again, this is for verification and validation noong ating management of the dead and missing cluster.”

Ayon sa OCD, 16 sa mga nasawi ay mula sa Soccsksargen at 3 naman sa Davao Region. Ilan sa mga sanhi ng pagkamatay ay pagguho ng istruktura, pagbagsak ng debris, at landslide batay sa paunang ulat.

Iniulat din ang 7 nawawala at 134 sugatan, habang humigit-kumulang 10,000 pamilya mula Sarangani at Sultan Kudarat ang inilikas. May 700 pamilya rin ang apektado.

Patuloy ang search, rescue, at retrieval operations sa mga apektadong lugar. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here