Home NATIONWIDE Grave oral defamation, cyberliber ikinaso sa 18 “bagmen”

Grave oral defamation, cyberliber ikinaso sa 18 “bagmen”

4
0

MANILA, Philippines – Pormal nang sinampahan ng kasong Grave Oral Defamation at Cyberlibel ni Senator Erwin Tulfo ang mga ex-marines sa piskalya sa Lunsod ng Pasay ngayong hapon.

Nag ugat ang reklamo ni Sen. Tulfo sa umanoi’y malisyosong pahayag ng tatlong ex marines na nagdadawit sa senador sa umanoi’y pagtanggap ng mga maleta ng pera na may kinalaman sa mga proyekto ng Department of Public Works and Highways.

Tinukoy sina Bernard Gumban, Rosebert Waupan at Benny Bulontate bilang mga respondents sa paglabag sa Article 358 ng Revised Penal Code, in relation sa Section 6 ng Cyber Crime Prevention Act of 2012 p Republic Act No. 10175.

“I have to file charges, sobra na eh, for uttering defamatory statements imputing serious criminal conduct against me, subjecting me to public contemptridicule and disrepute”, sabi ni Sen. Erwin Tulfo sa panayam.

“Puro kalokohan na, dati ilang maleta lang ngayon walo na. Meron pang sexual trafficking, human trafficking. Hindi na natin pinalagpas puro na kalokohan. Dati pinalusot ko pa ito eh. Pero parami ng parami. Yang listahan nagbawas sila ng tao, talagang gawa gawa lang nila”, sabi pa ni Sen Erwin Tulfo.

Nilinaw naman ni Tulfo na yung tatlo lang ang kanyang kinasuhan dahil sila lamang ang malisyosong nagparatang noong Hunyo 4,2026. (Dave Medina)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here