MANILA, Philippines – Tinamaan ng magnitude 5.3 na lindol ang Balut Island, Sarangani nitong gabi ng Lunes, Hunyo 9, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).
Mayroon ding iniulat ang PHIVOLCS na aftershock at tectonic in origin na may lalim na 10 kilometro.
Ang pagyanig ay naitala 10:52 ng gabi at tectonic in origin na may lalim na apat na kilometro.
Sinabi ng PHIVOLCS na ang lindol ay aftershock din ng malakas na lindol na tumama sa Maasim, Sarangani nitong umaga ng Lunes.
Naitala naman ang mga sumusunod na Instrumental Intensities sa mga sumusunod na lugar:
Intensity IV – Kiamba, Sarangani; T’boli, South Cotabato; General Santos City
Intensity III – Bagumbayan, Sultan Kudarat; Malapatan and Maitum, Sarangani; Surallah, Santo Nino, and Tupi, South Cotabato
Intensity II – Banga and Tampakan, South Cotabato; Isulan, Sultan Kudarat
Intensity I – City of Davao, Davao del Sur