Home NATIONWIDE Patay sa pagguho ng gusali sa Pampanga umakyat sa 30

Patay sa pagguho ng gusali sa Pampanga umakyat sa 30

1
0

MANILA, Philippines – Umakyat na sa 30 ang bilang ng mga nasawi sa gumuhong gusali sa Angeles City, Pampanga matapos marekober ang isa pang biktima nitong madaling araw ng Martes, Hunyo 9.

Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP) Central, ang bangkay ay nakuha mula sa collapse site bandang 12:18 ng madaling araw.

Bago nito ay nakuha rin ang labi ng ika-29 na biktima mula sa guho.

Ang pinakahuling nakuhang biktima ay noon pang Sabado, Hunyo 6 ng 9:56 ng gabi sa nagpapatuloy na search, rescue, at retrieval operations.

Matatandaan na ang siyam na palapag na gusaling under construction ay gumuho madaling araw noong Mayo 24. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here