Home NATIONWIDE Krisis sa digmaan, pagkakahati-hati at paglabag sa human rights binigyang diin ni...

Krisis sa digmaan, pagkakahati-hati at paglabag sa human rights binigyang diin ni Pope Leo

2
0

SPAIN – Binigyang-diin ni Pope Leo sa kanyang talumpati sa parliyamento ng Spain, na nasa krisis ang mundo dahil sa digmaan, pagkakahati-hati, at paglabag sa karapatang pantao.

Nanawagan siya ng kapayapaan at pagkakaisa sa halip na armas.

Kinontra rin niya ang pagtaas ng budget sa militar ng mga bansa, lalo na ng Europa, at sinabing dapat ilaan ang pondo sa tao at hindi sa digmaan.

Binigyang-pansin niya ang krisis ng mga migrante at sinabing dapat tulungan at protektahan sila, hindi itaboy.

Tinalakay din ni Pope Leo ang relasyon ng Simbahan at estado – sinabi niyang dapat igalang ang kalayaan sa relihiyon at hindi ituring na walang silbi ang pananampalataya sa lipunan.

Ito ang unang pagkakataon na nagsalita ang isang papa sa parliyamento ng Spain, at naging malakas ang mensahe niya tungkol sa moralidad, kapayapaan, at pagmamalasakit sa mahihina. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here