Home NATIONWIDE Mandato ng PH Navy sa pagsuporta sa mga biktima ng Mindanao quake...

Mandato ng PH Navy sa pagsuporta sa mga biktima ng Mindanao quake kinilala ni PBBM sa seremonya

3
0

MANILA, Philippines – PINANGUNAHAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pagdiriwang ng ika-1 daan at 28 anibersaryo ng Philippine Navy, araw ng Martes, Hunyo 9.

Tampok ng pagdiriwang ay ang commissioning o pormal na pagpasok sa serbisyo ng BRP Rajah Lakandula na dagdag asset ng hukbong Pandagat na magpapalakas sa kahandaan nito sa operasyon at kakayahan sa pagpapanatili ng seguridad sa karagatang sakop ng Pilipinas.

Sa naging talumpati naman ng Pangulo ay binigyang diin nito ang importanteng papel ng Hukbong Pandagat sa harap ng aniyay emerging gayundin ang regional threats.

Kinilala din ng Chief Executive ang aniya’y commitment ng Phil navy para pagsilbihan lalo na ang mga biktima ng naganap na paglindol sa Mindanao.

Kasunod aniya ng pagyanig ay agad na inalerto ng Naval Forces Eastern Mindanao ang kanilang disaster response mechanism. KRIS JOSE

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here