Home METRO Inspeksyon sa mga terminal matapos ng lindol sa Mindanao, ipinag-utos ng LTFRB

Inspeksyon sa mga terminal matapos ng lindol sa Mindanao, ipinag-utos ng LTFRB

3
0

MANILA, Philippines – Inatasan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang mga Regional Franchising and Regulatory Offices (RFROs) na magsagawa ng inspeksyon sa structural integrity ng mga public transportation hubs sa mga lugar na naapektuhan ng magnitude 7.8 na lindol sa Mindanao noong Lunes ng umaga.

Ayon kay LTFRB Chairperson Atty. Vigor Mendoza II, inatasan ang mga opisina sa Davao Region at Soccsksargen na makipag-ugnayan sa mga local government units at Department of Public Works and Highways (DPWH) para suriin ang kaligtasan ng mga bus terminal at iba pang transport hubs.

“We want to ensure the safety of both the passengers and our partners in the PUV [public utility vehicle] sector through a thorough inspection on the structural integrity of bus terminals and other land transportation hubs,” ani Mendoza.

Dagdag pa niya, mahalagang masiguro ang kaligtasan ng publiko dahil sa lakas ng lindol at posibleng aftershocks na babala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).

Ayon sa ulat, umabot sa magnitude 7.8 ang lindol na tumama sa karagatan malapit sa Maasim, Sarangani noong 7:37 a.m., at nagkaroon ng tsunami warnings na kalaunan ay inalis din.

Bukod sa inspeksyon ng mga pasilidad, iniutos din ni Mendoza ang pag-check sa kalagayan ng mga empleyado at pansamantalang pagsuspinde ng operasyon sa mga lugar na grabeng naapektuhan.

“On my part as the LTFRB chairman, I assure all our personnel of all the necessary assistance if you need them. We are one with you in this time of challenge,” dagdag niya. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here