Home METRO Paglalayag sa ilang bahagi ng Mindanao, ‘di pa rin pinapayagan – PCG

Paglalayag sa ilang bahagi ng Mindanao, ‘di pa rin pinapayagan – PCG

3
0

MANILA, Philippines – Bawal pa ring makapaglayag ang anumang uri ng sasakyang pandagat sa ilang bahagi ng Minadanao matapos ang nangyaring 7.8 magnitude na lindol noong Lunes, Hunyo 8, ayon sa Philippine Coast Guard (PCG).

Sa panayam kay Commodore Noemie Cayabyab ang tagapagsalita ng PCG, kasama sa mga lugar na suspendido ang biyahe sa Saranggani, Davao Occidental, Jose Abad Santos at General Santos City.

Ayon sa PCG, patuloy na nagsasagawa ng pagsusuri ang PCG katuwang ang ilang ahensiya ng pamahalaan sa mga pasilidad gayundin sa mga pantalan.

Ang koordinasyon ng PCG sa mga komunidad sa gitna ng nararanasang aftershocks ay nagpapatuloy din.

Una ng inabisuhan ng PCG ang mga operator ng lahat ng sasakyan pandagat na kung maaari ay huwag muna maglayag para makaiwas sa mas malaking banta at panganib ng tsunami sa baybayin.

Sa kasalujiyan, nakadeploy pa rin ang mga tauhan ng PCG kabilang ang kanilang K9 units para tumulong sa search rescue at relief operations. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here