Home SPORTS Walang foul play sa pagkamatay ng 2 Ateneo student-athletes – PNP

Walang foul play sa pagkamatay ng 2 Ateneo student-athletes – PNP

1
0

MANILA, Philippines — Sinabi ng Philippine National Police (PNP) Aurora Provincial Office kahapon na walang indikasyon ng foul play sa insidente ng pagkalunod na kumitil sa buhay ng dalawang student-athletes ng Ateneo De Manila University (ADMU) na sina Divine Adili at Rene Baterbonia..

“Natural accident po talaga ang nangyari, at sa ngayon, wala po tayong nakikitang foul play,” ani Police Colonel Percival R. Pineda, acting provincial director ng Aurora PPO, sa isang press conference. “Based po sa ating nakuhang salaysay, itong insidente na ito ay talagang puro aksidente,” dagdag pa nito.

Sa salaysay ni Pineda, naganap ang insidente dakong 2:40 p.m. sa harap ng Hermanos Leisure Farm and Surf Camp sa Barangay Libis, Dipaculao, Aurora kung saan gaganapin ang team-building activity ng ADMU men’s basketball team.

Nilahukan ang aktibidad ng humigit-kumulang 20 miyembro ng koponan, kabilang ang mga manlalaro at coaching staff.

“Based po sa salaysay ng ating mga nakausap, meron po silang activity na kung saan lumakad po ang mga players sa tabing dagat,” ani Pineda.

Nasa hanggang hita po ang lalim ng tubig, at bigla na lang po silang napunta sa malalim na parte. Yung part po ng nilalakaran nila ay may malalim na bahagi, at doon po, bigla silang tinangay ng current papunta sa mas malalim na bahagi ng dagat,” kwento pa ni Pineda.

“May mga kasama po sila na tumulong, at meron din pong lifeguard, pero sa kasamaang palad, nasawi nga po ang dalawa,” dagdag pa nito.

Dinala sila sa Aurora Memorial Hospital para sa resuscitation efforts ngunit idineklara silang dead on arrival ng attending physician.

Sinabi ni Pineda na hindi ito ang unang pagkakataon na nagsagawa ng aktibidad ang grupo sa resort at pamilyar sila sa lagay ng dagat sa lugar.

Ayon kay Aurora Provincial Police Public Information Chief Major Lorena Bautista, hindi ito ang unang insidente ng pagkalunod sa lugar ngayong taon. Gayunpaman, walang agarang utos na ipagbawal ang paglangoy, ngunit paiigtingin ng mga awtoridad ang mga hakbang sa seguridad at paglalagay ng lifeguard.JC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here