Home NATIONWIDE Remulla “considering all angles” sa paghahanap kay Sen. Bato

Remulla “considering all angles” sa paghahanap kay Sen. Bato

3
0
Kuha ni Cesar Morales

MANILA, Philippines – Sinabi ni Interior Secretary Jonvic Remulla na “considering all angles” ang kanilang hakbang sa paghahanap kay Senador Ronald “Bato” dela Rosa, na umano’y wanted ng International Criminal Court (ICC) kaugnay ng kanyang papel sa drug war ng administrasyong Duterte.

Sa isang press briefing sa Camp Crame, sinabi rin ni Remulla na naaresto ng Philippine National Police (PNP) ang dating pulis na si Rafael Dumlao, na itinuturong mastermind sa pagpatay sa South Korean businessman na si Jee Ick Joo noong 2016.

Ayon kay Remulla, natunton si Dumlao matapos makatanggap ng tip mula sa isang informant na nasa isang bahay siya sa Pasong Tamo, Quezon City, kung saan umano siya nanatili sa loob ng tatlong linggo.

Tinanong kung posibleng nagtatago sa Metro Manila si Dela Rosa, sinabi ni Remulla: “We are considering all angles.”

Ipinaliwanag niya na mas madaling magtago sa Metro Manila kumpara sa mga probinsya dahil sa mas malaking populasyon at mas kaunting agarang pag-uulat ng mga hindi pamilyar na tao.

Samantala, huling nakita si Dela Rosa na umalis sa Senado kasama si Sen. Robin Padilla sakay ng sasakyan nito noong madaling araw ng Mayo 14. Ayon kay Padilla, sumabay lamang umano si Dela Rosa at ibinaba sa Makati City, ngunit hindi na sinabi kung saan ito pumunta.

Tiniyak din ni Remulla na hindi tumitigil ang PNP sa paghahanap at walang sinumang kinukunsinti.

“The entire country should be aware that the PNP is not stopping,” aniya.

Dagdag pa niya, pantay ang pagpapatupad ng batas kahit sa mga dating matataas na opisyal ng pulisya. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here