Home HOME BANNER STORY M5.5 lindol, yumanig sa Sarangani

M5.5 lindol, yumanig sa Sarangani

3
0

MANILA, Philippines – Niyanig ng magnitude 5.5 na lindol ang bahagi ng karagatan ng Sarangani sa Davao Occidental noong Martes ng hapon, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).

Ayon sa PHIVOLCS, nangyari ang lindol bandang 2:15 p.m. at natukoy ang epicenter sa 77 kilometro southwest ng Balut Island sa Sarangani.

Tectonic ang pinagmulan ng lindol at may lalim na 10 kilometro.

Sinabi ng PHIVOLCS na wala itong inaasahang pinsala at hindi rin inaasahang magkakaroon ng aftershocks.

Ilan sa mga naitalang intensity ay Intensity II sa Alabel, Sarangani, at instrumental intensities na Intensity III sa Maitum, Sarangani at T’boli, South Cotabato.

Naramdaman din ang Intensity II sa Malapatan, Sarangani; Santo Niño, Tupi at Surallah sa South Cotabato; at Bagumbayan, Sultan Kudarat.

Naitala rin ang Intensity I sa Digos City, Davao del Sur; Sta. Maria, Davao Occidental; Koronadal City, Tampakan, South Cotabato; at Zamboanga City.

Matatandaang noong Lunes ay tumama ang mas malakas na magnitude 7.8 na lindol sa offshore Sarangani, ngunit hindi pa kinukumpirma ng PHIVOLCS kung may direktang kaugnayan ang bagong pagyanig sa naunang malakas na lindol. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here