Home NATIONWIDE JoyRide Car, nagdaos ng grand onboarding sa QC

JoyRide Car, nagdaos ng grand onboarding sa QC

4
0

MANILA, Philippines – Nagtipon-tipon sa Ninoy Aquino Parks and Wildlife Center sa Quezon City nitong Martes, Hunyo 9, 2026, ang mga prospective driver-partners para sa dalawang araw na Grand Onboarding event ng JoyRide Car.

Layunin ng aktibidad na mag-recruit at mag-onboard ng mga kwalipikadong TNVS drivers at operators bilang bahagi ng pagpapalawak ng fleet ng kumpanya upang matugunan ang lumalaking demand ng mga pasahero.

Ayon sa organizers, maaari ring makakuha ang mga kalahok ng iba’t ibang insentibo tulad ng libreng top-up credits, walang cash-out requirements, at mas mababang commission rates.

Ang naturang onboarding ay bahagi ng patuloy na expansion ng JoyRide Car sa transport service sector sa Metro Manila at karatig na lugar. DANNY QUERUBIN

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here