NUEVA VISCAYA, Philippines – Himas rehas ang magkapatid sa kasong panggagahasa sa isang menor de edad na anak-anakan pa ng isa sa suspek matapos magkasunod na hinuli ng mga kapulisan sa Sta. Fe, Nueva Vizcaya.
Sa direktiba ni PBGen. Mariano Rodriguez, Acting Regional Director ng Police Regional Office 02 (PR02), ang unang suspek ay 41 anyos na magsasaka at residente ng Canabuan, Santa Fe na inireklamo ng kanyang kinakasama at ang 14 anyos na anak na dalagita.
Ayon kay PMajor Geriyell Frogoso, Hepe ng Santa Fe Police Station, ang isa sa suspek ay 7 anyos pa lang ng simulang gahasahin na ngayon ay 14 anyos na kanyang stepdaughter na anak ng kanyang kinakasama.
Ngayon lang daw nakapagsumbong sa otoridad ang biktima dahil sa pagbabanta ng suspek.
Ang suspek ay nasa Top 1 Most Wanted sa probinsiya ng Nueva Vizcaya.
Samantala, sa pag-iimbestiga ng pulisya, nalaman na ang kapatid ng suspek na 31 anyos ay kasama rin sa panggahasa sa dalagita na ngayon.
Napag-alaman na ang ikalawang suspek ay kalalaya lamang mula sa Bilibid noong 2025 matapos makakuha ng Probation sa kasong panggagahasa sa kanilang kapatid na babae na may problema pa sa pag-iisip.
Nitong huli, isang krimen uli ang ginawa sa anak-anak ng kapatid na kapwa nila pinagsasamatlahan.
Madalas umanong naiiwan ang biktima dahil ang kanyang ina ay nagtratrabaho sa barangay kapag wala ito ay dito na sinasamantala ng magkapatid na halinhinan silang pinagsasamantalahan ang biktima.
Naaresto ang dalawa sa pamamagitan ng pagpapatupad ng warrant of arrest kontra sa kanila kung saan ay nahuli ang isa sa Santa Fe, Nueva Vizcaya habang ang isa naman ay sa Caranglan, Nueva Ecija.
Pansamantala nasa kustodiya ng pulisya ang dalawang magkapatid para sa kaukulang dukomentasyon at tamang disposisyon. (REY VELASCO)