Home ENTERTAINMENT Home Along Da Riles, binuhay nina Vandolph at Boy 2!

Home Along Da Riles, binuhay nina Vandolph at Boy 2!

1
0

Manila, Philippines – Muling mapapanood ang iconic sitcom na Home Along da Riles na pinagbidahan noon ng namayapang Comedy King na si Dolphy sa ABS-CBN, and this time, sa big screen na siya.

Paano ba nagsimula ang idea na buhayin muli ang Home Along?

“Nag-start ito dahil kaming dalawa ni Vandolph, nag-uusap kami kung paano ba kami magba-viral,” simula ni Boy 2.

“Sabi ko, punta tayo sa riles at mag-shoot kaya ayun, pumunta kami sa riles sa may Sucat (Paranaque) and nagulat kami dahil nung pinost namin, nag-viral nga.

“Tapos nagkita kami nina Smokey (Manoloto) kasama sina Tita Nova (Villa), tapos nag-shoot kami and ginawa namin ‘yung mga ginagawa namin noon sa Home Along, tapos nag-viral ulit.

“Tapos si Maybeline (dela Cruz) naman, nag-organize and nagsama-sama kami na mga cast ng Home Along, nag-shoot kami tapos nag-viral.

“‘Yan ang nangyari hanggang sa nagtuloy-tuloy na siya.

“Tapos kapag buwan ng July, marami sa cast ang nagse-celebrate ng birthday, and du’n na talaga officially nag-start ‘yung concept na gawin ito Home Along da Riles.

“Nagkaroon kami ng reunion and tinawag namin itong Home Along the Reels,” natatawa pang kuwento ni Boy 2, na apo ni Mang Dolphy sa tunay na buhay.

Ayon pa kay Boy 2 ay na-inspire sila dahil sa sinasabi ng mga tao na sana ay magkaroon ulit ng Home Along da Riles.

That time ay nalaman ni Claudine Barreto ang plan na buhayin muli ang Home Along at sinabi niya na ready naman siya.

“Bakit hindi natin i-try,” sabi ni Clau.

Hiniram nina Boy 2 at Vandolph ang IP (Intellectual Property Rights) ng Home Along sa ABS-CBN at pinayagan naman daw sila.

“Parang ang focus lang ng movie, e, ituloy ang sitcom. Parang continuation lang, kung ano na ang nangyari sa mga anak ni Kevin Cosme (character ni Dolphy), tapos focus na rin sa tribute kay Tatay Dolphy at tribute na rin sa lahat ng tao who made Home Along a success,” paliwanag pa ni Boy 2.

Pag-amin naman ni Vandolph, nami-miss niya anv kanyang tatay lalo na nu’ng sabay silang manood ng Home Along da Riles.

“Ang isa talaga sa mga tumatak sa akin is ‘yung having another family sa Home Along.

“Alam niyo naman na nu’ng bata ako, makulit talaga ako.

“Sa Home Along, habang lumalaki ako, nagkaroon ako ng extended family sa taping. “Nagkaroon ako ng kuya na tinuturuan ako ng kung ano ano,” sabay turo ni Vandolph kay Smokey.

Binanggit din ni Valdolph na ang pinaka-importante daw sa parte ng buhay niya doon ay nang nakilala niya si Jenny Salimao, na ngayon ay asawa na niya.

Kasama sa cast na um-attend ng mediacon sina Sherilyn Reyes, Cita Astals, Dang Cruz, si Vito Quizon (anak ni Vandolph) at ang tatlong Sunog Baga gang.

May premiere night anv Home Along da Riles sa June 15 sa SM Megamall at sa June 17 naman ang regular showinv nito. JP Ignacio

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here