Manila, Philippines – Ang dating bulinggit na child star na si Xia Vigor ay dalagita na ngayon, 16 years old na siya at isang magandang teenager na.
Sino ang makakalimot sa pelikulang “Miracle in Cell No. 7” noong 2019 na tinampukan ni Aga Muhlach at sa “Your Face Sounds Familiar-Kids” ng ABS CBN na ginaya ni Xia si Taylor Swift?
Sa aming panayam sa tisay na bagets na isang half Filipino-half British, nabanggit niya na ang MMFF entry nilang ito ni Aga ang itinuturing niyang biggest break sa showbiz.
“Ito po kasi ang biggest role ko at most challenging po sa acting at ang mga kasama ko po roon ay talagang mga veteran actors po. So, its such an honor and that’s really the most memorable project for me.”
Ayon pa kay Xia, wish niyang magkaroon ulit ng project na tulad ng Miracle in Cell No. 7.
Pahayag ng bagets, “Siyempre po, kasi malaking opportunity po ang mga ganoong projects, especially when I work with veteran actors po.
“Kasi, marami po akong natututunan sa kanila and nadadala ko po talaga ang mga itinuturo nila sa akin throughout my whole acting career.
“So, sana po talaga in the future I can have another big project like iyong Miracle in Cell No. 7 at MMFF din po sana,” masayang wika niya.
Sinabi rin ni Xia na nami-miss na niyang muli ang makatrabaho si Aga dahil parang naging tatay daw niya talaga ang aktor noong ginawa nila ang naturang pelikula.
“Siyempre po, naging tatay ko talaga siya sa set… and sobrang sweet po ni tito Aga, parang naging tunay na tatay ko siya sa set.
“And I realized, parang ang fun niyang maging tatay. So, super fun working with him po talaga.
“So, sana nga po magkaroon ulit kami ng project ni tito Aga, na sana maging daddy ko ulit siya,” nakangiting sambit pa ni Xia.
After ba ng MMFF movie nila, may ginawa ulit silang project ni Aga?
Aniya, “Wala po e, pero nagkikita po kami like sa Viva or sa mga birthdays po ni Boss Vic (del Rosario).”
May bagong seryeng aabangan kay Xia, ngunit hindi pa niya alam ang mga detalye nito.
“Series po siya, sa Viva po, pero wala pa po akong alam pa kung sino ang mga kasama ko, wala pa po akong idea.”
Dagdag pa ni Xia, “Hindi ko po alam exactly kung kailan nila ia-announce, pero looking forward po ako sa cast nito and ang alam ko po, maraming teenagers dito na tulad ko.