Home ENTERTAINMENT OPM Con Generations, inaabangan na!

OPM Con Generations, inaabangan na!

1
0

Manila, Philippines – Ayan na naman ang OPM Con Generations, ang concet na talaga namang inaabangan dahil kasama rito ang SB19, Ben&Ben, Alamat, si Flow G,  si Skusta Clee, SunKissed Lola, G22, KAIA, at Xonara, na mapapanood sa Araneta Coliseum.

Ngayon pa lang ay marami na ang nagtatanong sa socmed kung paano sila makakakuha ng libreng ticket.

Sa ngayon ay ilulunsad ng Puregold ang kakaibang paraan ng pagkuha ng tiket, na magsisimula sa June 12, at magbibigay ng pagkakataon sa mga mamimili na magkaroon ng libreng tiket sa pamamagitan ng kanilang pinamiling groseri.

Nakatakda sa July 11 sa Araneta Coliseum ang Puregold OPM Con Generations para sa isang hindi malilimutang gabi ng retailtainment, ang ikatlong iterasyon ng Puregold ng nasabing selebrasyon ng musika.

Mula June 12, maaaring makakuha ng libreng tiket ang mga miyembro ng Aling Puring at Perks, sa pamamagitan ng kwalipikadong iisang-resibong napamili sa mga kalahok na tindahan ng Puregold.

“Taon-taon, nasasabik kaming makita ang pag-aabang ng mga mamimili sa OPM Con,” ani Ivy Hayagan-Piedad, Senior Marketing Manager ng Puregold Price Club. Inc.

“Alam naming higit pa sa musika ang OPM para sa mga Pilipino–bahagi ito ng ating identidad, nahabi sa ating mga alaala, tagumpay, at pang-araw-araw na buhay.”

Sabi ni Hayagan-Piedad, espesyal ang karanasang ito dahil nagsisimula ito bago pa man ang gabi ng concert.

“Dahil sa ating ticket redemption program, ang simpleng pagpunta sa groseri para mamili ay maaaring maging simula ng sandaling mahalaga sa isang tagahanga.

“Pinaglalapit nito ang mga magkakaibigan at pamilya sa mga musikero, kanta, at komunidad na mahalaga sa kanila.”

Upang makakuha ng tiket, kinakailangang makakuha muna ng queueing number para sa kanilang ninanais na ticket tier ang mga kustomer na may aktibong membership sa Aling Puring o Perks.

Kinukumpirma ng queueing number na ito kung mayroon pang puwang o slot sa napiling seksyon o kategorya ng tiket.

Sa oras na makompleto ang pamimili, maaari nang tumungo ang mga miyembro sa ticket redemption booth at ipakita ang kanilang Aling Puring o Perks card, queueing number, at opisyal na resibo upang makuha ang kanilang concert ticket.

Ang bawat isang kwalipikadong transaksyon ay nagbibigay sa bawat miyembro ng isang concet ticket, at mayroong maximum na dalawang tiket lamang na maaaring makuha ang bawat miyembro sa durasyon ng ticketing period.

Kung mayroong miyembro na makagagawa ng higit sa dalawang kwalipikadong transaksyon, ang mga transaksyon na may pinakamataas na halaga lamang ang magagamit sa pagbili ng tiket.

Para naman sa VIP Standing at Patron na tiket, maaaring magsagawa ng cash-in papuntang P-Wallet account upang makakuha ng tiket.

Hindi maaaring ilipat, ibigay, o ipamili sa ibang tao ang mga concert tiket.

Para sa mga menor de edad, kinakailangang may kasamang may-ari ng tiket na edad 18 pataas. Hinihingi rin ang pagpirma ng isang waiver pagpasok sa venue. JP Ignacio

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here