Manila, Philippines – Ang Pinoy Pop (P-Pop) ay patuloy na sumisigla at lumalawak hindi lamang sa Pilipinas kundi pati na rin sa international stage.
Sa gitna ng dumaraming talentong nagdadala ng sariling atin, isang grupo ang humahatak ng pansin dahil sa kanilang angking galing sa pagkanta at pagsayaw—ang P-Pop boy group na BILIB.
Binubuo nina Rafael, Zio, Clyde, J Mac, Carlo, at RC, ang grupo ay patuloy na nagpapatunay ng kanilang husay sa industriya.
Sa kasalukuyan, sila ay nasa ilalim ng pamamahala ng AQ Prime Music.
Nakaka-bilib ang members ng P-pop boy group na BILIB! Sila lang naman ang kauna-unahang P-pop boy group na nag-perform sa Waterbomb Manila Festival.
Bukod dito, nominado rin bilang Dance Recording of the Year ang kanilang kantang “Say Whatcha Wanna Say” sa 17th PMPC Star Awards for Music ngayong darating na June 25.
Gumawa ng kasaysayan ang BILIB nang sila ay imbitahan na magtanghal sa prestihiyosong Waterbomb Manila Festival, kung saan sila ang tanging P-Pop boy group na nakasama sa star-studded na line-up ng mga international at K-pop artists.
Kinilala rin ang P-Pop boy group na BILIB sa
kanilang dedikasyon sa musika, kung saan sila ay ginawaran ng Outstanding P-Pop Group of the Year sa The Golden Pillar Awards at Global Breakthrough Male Group Award.
Sa naging panayam kina Rafael, Zio, Clyde, J Mac, Carlo, at RC, natanong sila kung sino ang pangarap nilang makasama sa isang concert. Swak sa panlasa ng karamihan na maka-duet si Sarah Geronimo.
Kung pelikula naman ang pag-uusapan, halos lahat sila ay si Kathryn Bernardo ang gustong maging leading lady. Mercy Lejarde